Sabado, Marso 9, 2013

Pag papatuloy ng nasimulan

Napakatagal bago ko ulit naisipan na mag post sa blog na ginawa ko, pinag muni muni at pina isipan ko ng husto kung dapat ko bang ituloy ito o ibasura na lamang at ibaon na sa limot ang mga nangyari sa akin na naging parte ng buhay ko at kung ano ako ngayon.
Napag pasyahan ko na ituloy na lamang ito para maipa alam sa ibang tao at maging silbing gabay sa mga taong katulad ko. hindi man ito ka aya aya sa ibang tao o masasabing hindi ganun ka importante sa kanilang interes, kahit papaano ay may mga bagay pa rin na makaka pag pa alala sa ibang tao na maaring naging katulad ng mga karanansan ko.
Muli, pag bigyan ninyo ako na mailabas ko ang mga bagay na naranasan ko na nakapag pa bago ng buhay ko at nag pabuo ng kung ano ako ngayon sa kasalukuyan.

Martes, Abril 3, 2012

Panimula

ang tagal ko din pinag isipan kung gagawa ba ako ng blog na katulad nito. parang isang diary na maglalahad ng mga bagay tungkol sa mga nangyari sa akin sa nakaraan. mga bagay na hindi ko akalain or maging kayo ay hindi maiisip na mangyayari sa isang taong katulad ko. wala akong maisip na titulo na aangkop sa blog na ito, My darkest secrets ang aking naisip na pinaka malapit na title na pwedeng gamitin para sa mga pag lalahad ng mga bagay na nangyari sa buhay ko.
Hindi ako isang manunulat kaya sana ay pag pasensyahan na ninyo ang aking pag lalahad.

Maraming Salamat.