Sabado, Marso 9, 2013

Ang aking kabataan

Hindi ko na matandaan kung ano talaga ang mga nangyari sa akin ng ako ay nasa kabataan pa lang, ang tanging nalalaman ko ay wala pa sa kaisipan ko ang mga bagay na lalake, babae, bakla o tomboy.  HIndi ko rin maalala kung ano ba talaga ang gusto ko.Basta ang natatan daan ko ay puro laro lang ang gusto ko noon. HIndi ko rin matandaan kung may libog na ba ako nung bata pa ako, hanggang sa maging 6 na taon ako at nag simula sa aking pag iisip na may nangyayaring mga maka mundong galaw. Mula pa kasi ng bata ako ay hindi ako madalas makipag laro, lagi ako kasama ng tatay at nanay ko sa simbahan tuwing linggo at sa tuwing lalabas ako ay malapit lang sa bahay namin kung saan ay nakikita ako ng mga magulang ko, kung baga ay sa halos kalapit bakuran lang ako nakaka pag laro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento