Tawagin ninyo na lang akong si Poyee, katamtaman ang taas, moreno at nasa kwarenta na sa kasalukuyan. nugn kabataan ko ay nakaka hawig ko daw si romnick sarmienta hanggang sa ng lumaki ay nakahawig ni sherwin ordoƱes. HIndi ko masasabing gwapo ako pero hindi rin naman ako maihahanay sa mga kulang ang kagandahan ng mukha, masasabing nasa kalagitnaan lang ang aking itsura.
Ang pamilya namin ay maihahanay sa mga average family na nakaka survive sa pang araw araw na gastusin, hindi sumasala at nakaka bili ng mga bagay na nagusgustuhan na tama lang sa amin. Sa ngayon ay nag tatrabaho ako sa isang pribadong kumpanya at medyo nakaka riwasa at nakaka tulong sa aming pamilya. Tama na muna siguro itong pag papakilala ko at sa aking pag lalahad ay unti unti kong ipapakilala na lamang ang aking sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento